PATRICE ANGELA AT 18
(This letter was written on the occasion of Patrice Angela Garcia Barredo's 18th Birthday - a long time prior to Jose Miguel.)
PARA KAY PATRICE,
Noong una kitang kargahin pagkapanganak sa iyo, ni hindi pumasok sa isip kong darating ang isang araw na magiging 18 ka. Na huhubarin mo ang damit ng pagkasanggol, ng pagkabata, ng pagka-adolescent, at unti-unti mong isusuot ang damit ng pagdadalaga.
Ang konti ng buhok mo noong bata ka. (Alam ba nila na wig lang ang suot mo ngayon?) At saka ang ganda mo noon. Tahimik ka lang. Parating nagko-close-open ng kamay. Parating nagbu-beautiful-eyes. Parating nakangiti. Parating nakasalubong sa ninong.
Hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo. Tuwing magbabakasyon ako, parati ka lang nasa isang tabi. Naghihintay na mapansin. Naghihintay ng pasalubong. At ang itim-itim mo. Minsan kang kinulot ng Nanay mo, akala ko anak ka ng Ita.
Taun-taon, nakakatanggap na lang ako ng mga litrato mo. Ang mga participation mo sa school. Lalo na sa pagsasayaw. At sa pagkanta. Grabe, ang lakas ng loob mo. Noong gumadyewt ka sa elementary, nagulat ako! Ang kapal mong mag-make-up. Noong gumadreyt ka naman ng high school, nagulat ulit ako. Ahit na ang kilay mo!
Ngayong dalaga ka na, mas gumanda ka naman. Salamat sa make-up! At marami ka ng crushes, kahit na konti lang ang may crush sa iyo. Sayang hindi nila alam na malaki ang mamanahin mo sa akin. Ha-ha-ha!!!
Sa birthday mo, mayroon akong 18 bagay na gustong ipaalala sa iyo:
1 You are a child of God. Huwag mong kalilimutan iyan. At bilang anak ng Diyos, dapat mahalin mong una sa lahat ang Diyos Ama. Iiwanan ka ng marami mong mahal sa buhay, pero ang Panginoon, parati siyang nandiyan. Higit sa kahit na anong bagay, huwag mong kalilimutang Kristiyano ka. Kahit anino mo lang, dala mo ang pangalan ng Panginoong Hesus. Mas mahalaga iyan kaysa apelyido ng lolo mo.
2 You are a product of love. Hindi ka magiging tao kung hindi nagtagpo ang mga taong naging instrumento kung bakit nandito ka. Ang Nanay mo at ang Tatay mo. At kahit nagtagpo man sila, kung hindi sila nagmamahalan, hindi ka rin mabubuo. Hindi ka isang aksidente. Produkto ka ng pag-iibigan.
3 You are beautiful. Kahit sinungaling ang salamin, ako hindi magsisinungaling. You are beautiful because you are God’s masterpiece. You are beautiful because your heart is. At kung hindi sila maniniwala, basta para sa akin ikaw ang Miss Universe!
4 You are free. Nasa iyo na ngayon ang laya para mamili kung ano ang dapat at bagay sa iyo. Regalo ng Diyos iyan, dahil mahal ka niya. Sa paggamit mo ng freedom mo, think of God first. His truth will always guarantee na hindi ka maikukulong ng kahit na anong kapangyarihan on earth.
5 You are rich. Maaaring hindi sa materyal na bagay. Maaaring hindi sa signature clothes or jewelries. Maaaring hindi sa mga personal possessions mo ngayon. But the Lord has put everything in the world at your disposal. Ikaw lang ang maghahanap ng susi kung paano mo makukuha ang mga riches na iyon.
6 You are (still) young. Bata ka pa at 18, marami ka pang mga bagay na dapat maunawaan at maintindihan. Hindi ibig sabihin nito na magagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin. Makikinig ka pa rin dapat sa mga payo ng may mga karanasan na. Ng mga taong galing na sa pupuntahan mo pa lang.
7 You must continue to learn. Hindi lang sa loob ng classrooms natatapos ang pag-aaral. Marami pang ibang itinuturo ang buhay. Maging listo ka. Maging observant sa paligid. Magtanong sa mga nakakatatanda at sa mga mahuhusay.
8 You must read more. Made-develop nang husto ang pag-iisip mo kung palagi kang magbabasa. Magbasa ka habang nakaupo sa tricycle, sa jeep, sa pedicab. Habang nagpapahinga o habang tumatae. Read newspapers, magazines, books. Ang daming libro sa bookshelves natin and they are for you to feast on. Above all, read the Bible.
9 You must choose friends you will keep for life. Ngayon pa lang, mag-umpisa ka nang mamili ng mga kaibigan na magiging kaibigan mo sa habang panahon. Ang paghahanap daw ng kaibigan ay parang paghahanap ng aspile sa isang bunton ng dayami. Mahirap, pero kayamanan naman kapag nahanap mo. At pipili ka lang ng mga kaibigan na kaya mong alagaan.
10 You must start saving. Hindi ka nag-iipon para lang may maibili ka ng bagong lipstick, o t-shirt para kay Jaymar, o pang-gimmick ng barkada, o pampanood ng sine. You save para sa kinabukasan mo. Kung magsisimula kang mag-save ng P100 per week, imagine kung magkanong pera mayroon ka pagtuntong mo ng 50 years old!
11 You must plan what you want to become. Nasa iyo ang choice kung ano ang gusto mong maging pag tumanda ka. Pero kahit na ano ang mga pangarap mo, dapat ngayon pa lang pinag-paplanuhan mo na. Kung gusto mo talagang maging singer (ewan ko lang ha?), eh di mag-aral. Kung gusto mong maging dancer, eh di mag-KALOOB. You have to want something bad enough for you to do everything possible to make them come true.
12 You must start practicing your social graces. Huwag uutot in public. Huwag mangungulangot habang nakasakay sa jeep. Huwag didighay nang malakas. Huwag mong kalilimutang babae ka kahit mukha kang lalaki. Kaya dapat, feminine ang kilos in all ways. Babastusin ka lang kung magpapa-bastos. Iwasan ang mga barkadang takaw-bastos. I-review ang book on public etiquette.
13 You must respect your body. Kapag tumibok ang puso mo at gustong sumunod ng katawan mo, remember that the Holy Spirit dwells in you. Huwag magpapatangay sa emotions. By respecting your body, hindi mo siya isu-surrender sa kahit na anong tukso. IIngatan mo ito. Aalagaan mo ito. At gagawin mo ang lahat para protektahan ang karangalan mo bilang babae.
14 You must exercise your right and your duties as citizen of this country. Kung hindi ka pa registered voter, dapat magpa-rehistro ka na. May isang boto ka at gagamitin mo ito sa maayos na paraan. Huwag mong ibebenta ang boto mo. Pag kumikita ka na, magbayad ng tax. Huwag magtapon ng basura sa kalye. Pag nagtanim ka ng love for country, babalik iyan sa iyo.
15 You must surrender your gifts, your time, your treasure to the Church. Hindi ka lang dapat sa school mayroong extra-curricular activities. Dapat i-develop mo pa ang mga talents mo para ma-offer sa Panginoon. The Lord is the source of everything you have and of everything you are. Dapat lang na ibalik mo sa Kanya ang para sa Kanya. You say you love the Lord? Prove it.
16 You must guard yourself. Kasama na dito ang pag-uugali, ang moods, ang pagkasuplada, ang buong pagkatao. Everytime na haharap ka kahit kanino – makikilala ka sa pamamagitan ng ugali mo. Watch what you see on TV, sa sine, sa paligid. Watch what comes into your ears lalo na kung tsismis at paninirang-puri. Watch what comes out of your mouth specially hurting words. Do not be emotional. The heart is deceitful above all things, and beyond cure. Kaya gamitin ang utak, lalo na kung mayroon ka nito!!! God sees what you do, hears what you say, knows what you think!
17 You must love your family. Huwag kang masiraan ng loob na hindi kayo buo. Wala kang kasalanan doon. Ang mahalaga, buo ang pagkatao mo. Understand and love your parents in spite of their faults. Huwag mong isiping kulang ka sa pagmamahal, because that is a lie. Mahal ka ng Tatay mo. Mahal ka ng Nanay mo. Mahal ka ni Jaymar. At siyempre, mahal kita. Darating ang panahon na hindi na magiging mahalaga kung mayroon kang pagmamahal na tinatanggap, dahil matututunan mong ang mas mahalaga ay hindi ka nauubusan ng pagmamahal ng ibibigay.
At huli sa lahat,
18 You must not forget: nandito ako. Hindi ko alam kung ano ang mga puwede o mga hindi ko puwedeng maibigay sa iyo bilang kapalit ng Tatay at Nanay mo. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagsasama natin sa iisang bubong. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa mga darating na panahon. Basta ang alam ko sa ngayon, kahit na ano ang problema mo, ang pangangailangan mo, ang mga pangarap mo, ang mga tagumpay man o kabiguan mo – nandito lang ako. At habang nandito ka sa akin, ipinapangako kong iingatan kita, aalagaan kita, mamahalin kita dahil regalo ka ng Diyos sa akin.
HAPPY BIRTHDAY, ANAK!
8 August 2002

0 Comments:
Post a Comment
<< Home