A YEAR AFTER THE THANK YOU...
(Ito ang PS makaraan ang isang taon.)
Para kay Kuya Rollie.
Hindi lang ang buwan-buwang text load. Hindi lang ang pang-araw-araw na mensahe of comfort and encouragement. Hindi lang ang mga periodical assortment of gifts. Hindi lang iyon ang mga bumubuo ng jigsaw ng ating pagkakaibigan. Higit sa mga bagay na nakikita, nasasalat, naaamoy, naririnig at nalalasahan – may isa kang bagay na ibinigay at ibinuhol sa akin. Puso.
Saan ka ba nanggaling? Taga-kabilang bakod kang tinitingala ng mga taga-tambakang katulad ko. Pero ano't bigla kang naligaw sa sapot ng isang walang-kapangyarihang gagamba? Noong una, nariyan ka lang sa tabi. Ngumungiti. Bumabati. Nagtatanong. At unti-unti... hanggang heto ngayon, kabilang ka na sa kumpas ng buhay ko.
Maraming-maraming salamat, kaibigan, sa bawat kabutihang hindi ko man nasusuklian ay tinitiyak kong hindi lumalampas sa paningin ng Diyos. Isa ka sa mga nagpapatunay sa aking tunay na may inaani ang mga nagtatanim.
12 July 2005
0 Comments:
Post a Comment
<< Home