ISANG LIHAM KAY D...
(Isa sa mga paborito kong sulat para sa isang kaibigan.)
11:58am
dearest d,
ayan, nagma-mature ka na talaga. mabuti yung hindi ka nabubuhay sa anino ninuman. mabuti yung ikaw ang gumagawa ng sarili mong lilim. mabuti iyong kahit sa maliit na paraan, nagkakaroon ka ng boses para sabihin kung ano ang laman ng puso at isip mo. (di ba sabi sa desiderata ... ”and listen to others, even the dull and ignorant; they, too, have their story.") mabuti yung hindi ka madaling nadadala ng opinyon ng iba, dahil ginagamit mo ang sarili mong pagsusuri ng mga bagay-bagay. sa pamamagitan nyan mas madali mong matututunang igalang ang sarili mo at tanggapin ang paggalang ng iba. at saka, mabuti talagang nagagamit mo na ang mga leksiyon ng nakaraang panahon para patunayang sa paglipas ng napakaraming oras, marami kang butil ng karunungang inani sa buhay.
kaya lang mag-iingat ka. napakakitid ng pagitan ng pagiging matalino at hangal. isa sa mga bagay na natutunan ko nitong nakaraang taon ay ang magpakahinahon. ang isa sa mga magagandang anino ng pakikipagtalastasan ay hindi ang pagkakaroon ng paninindigan sa mga iba’t-iba at samutsari ng buhay na kung tutuusin ay hindi naman lubhang mahahalaga. higit na matimbang ang pagmumuni-muni, ang pakikinig, ang pagdaragdag sa mga bagay na alam mo na, mula sa bibig ng mga tunay na marurunong. siguro lang, pakiwari ko sa sarili, lumampas na ako sa puntong ang naririnig ko na lang ay ang sarili kong boses, ang sarili kong halakhak, at ang palakpakan ng ibang tao. totoo ngang habang tumatanda ka pala, mas nagiging masigasig kang hindi mapansin.
sa maniwala ka’t hindi, marami akong mga bagay na natutunan ngayon sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa mga kasaysayan ng iba – halimbawa, mga kwento ng barbero tungkol sa politika at pamahalaan; mga kuwento ng tindera sa palengke tungkol sa paano mapapanatiling sariwa ang mga prutas sa loob ng isang linggo; mga kuwento ng mga masahista tungkol sa pananamantala ng kanilang mga parokyano...
walang kasingsarap ang magkaroon ng maraming kaibigan. lamang ay hindi ka dapat yumakap sa pader sa kabibilang kung ilan sila. mas kapaki-pakinabang para sa iyong kaluluwa ang magkaroon ng sapat na bilang ng kaibigang kaya mong mahalin at ingatan sa buong panahon ng buhay mo. sa totoo lang, konti lang sila talaga. sila yung kahit na maghubo’t-hubad ka sa harapan nila at ng ibang tao, sa literal at simbolikong punto, tatanggapin ka pa rin at lululuning buung-buo. sila yung kahit hindi mo naririnig ang boses sa napakatagal na panahon ay patuloy na umaawit sa iyong diwa. sila yung hindi mo man nahihipo o nayayakap, ay palagi mo namang kasa-kasama sa puso. sila yung isa sa mga dahilan kung bakit buo ang pagkatao mo dahil ang buhay nila ay pira-pirasong bahagi ng kabuuan mo. subalit hindi rin nangangahulugan ito na hihinto ka na sa pagbubungkal ng mga panibagong pakikipagkaibigan. habang lumalawig ang buhay natin, higit tayong nangangailangan ng mga tao, liban sa ating pamilya, na kasabay nating umaangkas sa pagharurot ng buhay.
hoy, huwag mong pagdudahan ang pagkalalaki ni .... ako na ang magpapatunay sa iyo, hindi siya miyembro ng asosasyon. kaya kung maaalala kang sulatan ni ronnie at naka-stuck pa sa 8th floor ng chicago towers ang kanyang kilay, sabihin mong maghunus-dili siya. ang tiya-tiyahan mo ay mahigit nang isang taon sa amerika at aliw-aliw ngayon sa kabibilang ng bawat snowflakes na bumabagsak sa harapan ng kanyang bintana, habang nagtitirintas ng buhok at umaawit ng mga lumang kundiman. malungkot siya doon, at parati mo siyang isama sa bawat nobena at padasal mo sa taong ito.
napanood ko ang HOMECOMING at palagay ko nabanggit ko nang para akong natauhan nang sumagi sa isip kong hindi na pala mangyayaring pipila ako sa linya sa airport habang bitbit ang maraming nakakahong bagahe at pasalubong pag dumaraan sa customs at immigration bilang OCW. hindi ako nalulungkot. hindi rin naman ako masaya. wala lang. deadma. pero kung tutuusin, napakalaking paghakbang iyon mula sa ibang mundo papunta sa panibagong mundo. kung alin ang mas totoo at mas masaya sa dalawa, hindi ko pa lubos na nasusuri. masayang naranasan ko ang indayog ng dalawang bahagi ng pagkakahati nila. at masaya akong sa bawat oras at panahong inilagi ko sa magkabilang dulo, punung-puno ng buhay at kulay at hugis ang naging paglipas ng panahon. walang nasayang. walang natapon. lipos.
kabilang na sa mga kasaysayan ng nakaraang panahon ang kabanata tungkol kay ........ isang masaya, malungkot, masarap, masakit, matamis, mapait na kabanatang alam kong pipiliin kong mangyaring muli kung mamamatay ako at mabubuhay muli. bilang lang sa daliri ng isang kamay ang mga sandaling totoo sa buhay ng isang tao. alam ko sa loob ng puso ko at sa bawat himaymay ng laman ko, totoong lahat yung sa amin. ilang beses ka bang maaaring mahaling tunay? ilang tao lang ba ang magmamahal sa iyo nang tunay? pero, umiikot pa rin ang gulong. gumagaling ang puso. natututo rin. natututunan ng pusong hindi na siya maaaring magmahal nang hindi hihigit o magkukulang kaya sa nauna nang tinamasang pagmamahal. sa edad kong ito, baka insurance ko na lang ang mahalin sa akin. ha-ha-ha!!! pero hindi katulad ni norma desmond, alam kong sa pagdating ng paglubog ng araw ko, mananatili sa diwa ang panahong minsan, nagtampisaw ako sa napakaraming matatamis at maiinit na tag-araw. o di ba?
1:12pm
8 january 04

0 Comments:
Post a Comment
<< Home