Monday, February 12, 2007

VALENTINE: A DECADE AND ONE AGO

“ano’ng kailangan kong gawin
upang malaman mong
ikaw ay minamahal ko?
kailangan ko’y katulad mo
sa buhay kong ito,
nag-iisa lang sa mundo
dati’y nasaktan na ako’t
takot nang magtiwala,
ayoko na sanang umibig pa
ngunit ikaw’y ibang-iba
sa lahat ng nakilala,
sana ay ikaw na nga...

ano’ng kailangan kong gawin
upang matigil na
ang kabaliwan kong ito?
sumpa ko sa sarili’y
hinding hinding hindi na
ngunit heto na naman ako
hindi na papipigil pa’t
hindi na paaawat,
‘sinisigaw na ang pangalan mo
ikaw talaga’y ibang-iba
sa lahat ng nakilala,
sana ay ikaw na nga ...”


i smiled when i heard this song again this afternoon. at ikaw ang unang taong pumasok sa isip ko. it’s a cute song of fearful expectations. sana. sana. sana.

of course, ang context ng kanta ay galing sa isang pusong unti-unti na namang nagmamahal pero natatakot na muling masaktan. hindi na bagay sa akin. after a thousand lessons in falling in and out of love, malaki na ang phobia ko pagdating sa ganyan. in your own terms, ang tawag mo “trauma”, di ba?

but even in friendships, in starting out a fresh relationship with anybody, natural lang na naroon ang mga pangamba. siyempre, nangangapa ka sa umpisa dahil hindi mo alam whether the friendship you are offering will be accepted or rejected. naroon iyong hindi mo masabing “i’d like to get to know you more” dahil takot kang baka ma-misinterpret ka. naroon iyong maalala mo ang mga past starting points na hindi nag-work-out at biglang nag-“the-end” na.

and when the relationship has started to blossom, naroon pa rin ang mga insecurities. takot kang baka ikaw lang ang nagbibigay pero wala ka namang tinatanggap. takot kang baka pagdating ng panahong makakita siya ng ibang magiging kaibigan eh maiwan ka na lang. takot kang baka sumosobra na ang pagpapakita mo ng affections at nagmumukhang engot ka na. takot kang baka bigla na lang siyang mawala sa iyo.

i am glad that we are past these points. kumbaga, lumampas na tayo sa testing grounds. you have accepted me at tinanggap din kita. the last six weeks have been a blissful period that will testify to what we have gone through. the thoughtful phone calls you make that completes my day. the numerous times you have slept over at palagi tayong puyat sa panonood ng mga videos hanggang umaga. the few times we went out on a picnic together discovering many hidden valleys and dry streams and shallow rivers and arid desert expanse. and even the current “trial-by-rumors” that we are weathering right now. through it all, we’ve stood by each other. that is quite a gift. thank you for sticking it out with me.

thank you sa unti-unti mong pagbubukas ng buhay mo sa akin. sa pagtitiwala mo that I can be counted on. thank you sa pagpapahalaga mo sa akin at sa pagbibigay mo ng mga bagong kulay sa mga nangyayari sa buhay ko. thank you sa pang-unawa mo sa akin, sa pagkatao ko, sa mga pangangailangan ko. nakakatuwang sa kabila ng agwat ng edad natin (your 26 to my 36!) alam mo kung paano ako sakyan. thank you dahil alam kong nandiyan ka sa tabi ko hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang kapatid, bilang kakampi, bilang katuwang.

hindi mo alam kung gaano unti-unting nagkakaroon ng bagong bihis ang buhay ko ngayon dahil sa iyo. pero hindi na ako mag-e-elaborate. basta, kung ano man iyong nararamdaman ko, dala-dala ko iyon sa puso ko.

14 february 96
12:14 am

PS.
salamat sa dinner ngayong gabi. napakasarap ng luto mo. napakatamis ng white wine. napakainit ng chamomile tea. napakasagana ng chocolate mousse. ikaw talaga’y ibang-iba sa lahat ng nakilala. sana…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home