2.19.11
I know I copied this somewhere, but can’t remember where or from whom:
Ang LOVE ay HINDI minamadali. HINDI pinipilit at lalong HINDI kina-career. IT COMES NATURALLY. As in magugulat ka na lang isang araw magiging SIYA ang nasa isip mo. Basta NAISIP mo na lang. Basta. Hindi pinipilit na isipin ha? Mapapangiti ka na lang at basta gagaan ang pakiramdam mo na tipong kahit mukha ka nang tanga eh ok lang sayo, ngiti ka pa rin. Hindi nakabase sa TAGAL ng pinagsamahan. Hindi rin sa DALAS ng pagkikita. Hindi rin sa ILANG BESES na pag-uusap sa phone at lalung-lalo nang hindi sa DALAS ng pagte-text. May MAGIC kasi yan eh. Magic na HINDI naka-cast ng kung sinuman. MAGIC na MATAGAL na palang nandun pero
hindi mo lang namamalayan. Isusugal mo ba yun?! Yung feeling na wala ka ng hahanapin pang iba?! Papabayaan mo bang masira yun?! Wag na kasi kayong magmadali.
Unang-una, PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?!? Dahil ba natutuwa ka sa kanya? O kaya naman ay naaaliw ka? Naswe-sweetan ka ba nang sobra sa kanya? Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya? At nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya? Eh teka muna baka naman INFATUATED ka lang? O kaya naman, kagaya ng sagot mo BAKA naaaliw ka lang dahil kakaiba siya. May spark na hindi mo maintindihan
Pangalawa, GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA? Madali ba siyang mapikon? Paano ba siya ma-bad trip? Madali bang mahalata na may topak siya? Ano bang suot niya pag nasa bahay siya? Shorts ba o pantalon? Nakasando ba siya o naka-tee-shirt lang?
Matagal ba siyang maligo? Kumakain ba siya ng vegetables? Tamad ba siya? Mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa ng libro? Nagpe-play station ba siya? Tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki? Makukulit ba yung mga kamag-anak niya?
Green ba ang kulay ng gate ng bahay nila? Sa village ba siya nakatira? May sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila? Nagsisimba ba siya linggu-linggo? Kasama ba yung pamilya niya? At nagdadasal ba siya bago matulog? In short, alam mo na nga ba ang mga bagay-bagay – ang mga simpleng bagay – tungkol sa kanya na nagde-determine ng sarili niya as in kung SINO ba talaga SIYA?
Pangatlo, KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN? As in TANGGAPIN nang BUONG-BUO? Sa lahat ng trip niya sa buhay. Sa lahat ng katopakan niya. Sa lahat ng pag-iinarte at pagda-drama niya. Sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa at gagawin pa lang niya. Sa lahat ng naiisip niya, kahit hindi ka kasama dun. Sa lahat ng sasabihin niya. Sa kilos niya. Sa pananamit pa pala niya. Sa pagsasalita. Sa pananaw niya sa buhay. Sa pagtrato niya sa tao, lalo na sa yo. Sa lifestyle niya. Sa uri ng pamilyang meron siya. Sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya. Sa style niya pagdating sa love. Sa ka-sweetan niyang natural. Sa paglalambing niya. Sa tawa niyang pagkalakas-lakas. Sa manners niya. Sa pagmumura niya. Sa bisyo niya kung meron man. Sa mga pang-aasar niya sa yo. Sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema. Sa problemang maaari ka ring kasama. In short, handa ka bang tanggapin ang BUONG PAGKATAO niya?
Pang-apat , KAYA MO BANG MAGING TOTOO? Kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh mapapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil na rin sa kanya? Kaya mo bang magmukhang tanga as in umiyak ng dahil sa kababawan at ibuhos ang mga nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang naman as in kahit sa harapan niya? Kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya? Yung tipong wala ka ng pakialam mawala man ang manners mo na wala naman talaga. In short, KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA??? Yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mong HINDI MO LANG SIYA TANGGAP KUNDI TANGGAP KA RIN NIYA NANG BUUNG-BUO RIN.
MGA PIPS!!! TAMA NA kasi ang TRIP. TAMA NA ang pagmamadali. OO, masarap ngang ma-IN LOVE sa isang tao, pero handa ka na ba talaga?
REFLECTIONS
Deuteronomy 10-12
Deuteronomy 10:12-13
What does the LORD your God ask of you but to fear the LORD your God, to walk in all his ways, to love him, to serve the LORD your God with all your heart and with all your soul, and to observe the LORD’S commands and decrees that I am giving you today for your own good?
Deuteronomy 11:10-11
The land you are entering to take over is not like the land of Egypt, from which you have come, where you planted your seed and irrigated it by foot as in a vegetable garden. But the land you are crossing the Jordan to take possession of is a land of mountains and valleys that drinks rain from heaven.
* I like this. God’s land is maintenance-free, as he maintains it himself.
Deuteronomy 11:18-21
Fix these words of mine in your hearts and minds; tie them as symbols on your hands and bind them on your foreheads. Teach them to your children, talking about them when you sit at home and when you walk along the road, when you lie down and when you get up. Write them on the doorframes of your houses and on your gates, so that your days and the days of your children may be many in the land that the LORD swore to give your forefathers, as many as the days that the heavens are above the earth.
Gerizim - blessing
Ebal - curse
0 Comments:
Post a Comment
<< Home