Friday, February 25, 2011

2.22.11



This was another article that made the rounds of e-mails during the Arroyo administration.

WALANG KUWENTA ANG PILIPINAS

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sukang-suka na ko sa mga nangyayari sa bansang 'to! Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawat isa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

Ang gobyerno ng Pilipinas, talo pa ang septic tank na hinihigop ng Malabanan? Saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa mundo. Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila sugapa sa kapangyarihan at sa pera.

ANAK NG TETENG! !$#%Q!&!* @!!!!! KAHIT KRISTIYANO AKO, HINDI KO MAPIGILANG MAGMURA AT HILINGIN SA DIYOS (MINSAN NGA PATI SA DEMONYO) NA MAMATAY NA SILANG LAHAT AT I-BBQ SILA NANG HABANG-BUHAY SA IMPIERNO. SINO’NG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!! MAMATAY NA KAYO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa!Tulungan ang masa! Mahalin ang masa! PUNYETA! MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS? SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA PUNYETANG BANSANG TO? SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NYO? KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA ? KAMI ANG BUMUBUHAY SA WALANG KWENTANG BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YAN BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX???!!!!
F**K YOU! KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA
YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR! PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO? LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INIINTINDI NG GOBYERNO. KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD. KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION,SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA. SILA LAGI ANG BIDA. KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX ? KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko. Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at ang punyetang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbayad sa tax ay sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay. Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansion, SUV's at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay! P****** INA! PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra. SA TOTOO LANG ‘NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGATAMAD! Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila. TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NANG ANAK! PUNYETA! LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pilipinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na. YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO! Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar? SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain. PUNYETA! EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO! MGA IPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS! BAKIT MAY BIR COLLECTOR BA SA GITNA NG MENDIOLA AT EDSA?! MAY TAX COLLECTION BA SA BUNDOK?! WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO! PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN. KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING. Alisin (mas maganda kung patayin na lang) ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino. At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto! Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino. Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang ‘to. Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God bless! Sana tama kayo at mali ako.

REFLECTIONS
Deuteronomy 20-22


Deuteronomy 20:3-4
Do not be fainthearted or afraid; do not be terrified or give way to panic before them. For the LORD your God is the one who goes with you to fight for you against your enemies to give you victory.


* Never be afraid of battles you fight.

Deuteronomy 20:19-20
When you lay siege to a city for a long time, fighting against it to capture it, do not destroy its trees by putting an ax to them, because you can eat their fruit. Do not cut them down. Are the trees of the field people, that you should besiege them? However, you may cut down trees that you know are not fruit trees and use them to build siege works until the city at war with you falls.


* For the love of trees

Deuteronomy 21:15-17
If a man has two wives, and he loves one but not the other, and both bear him sons but the firstborn is the son of the wife he does not love, when he wills his property to his sons, he must not give the rights of the firstborn to the son of the wife he loves in preference to his actual firstborn, the son of the wife he does not love. He must acknowledge the son of his unloved wife as the firstborn by giving him a double share of all he has. That son is the first sign of his father’s strength. The right of the firstborn belongs to him.


* This made me smile. How could the Lord even think of this? Does he see an unfaithful husband’s heart?

Deuteronomy 21:23
Anyone who is hung on a tree is under God’s curse.


* Judas?

Deuteronomy 22:5
A woman must not wear men’s clothing, nor a man wear women’s clothing, for the LORD your God detests anyone who does this.


* Beware cross-dressers!

Deuteronomy 22:8
When you build a new house, make a parapet around your roof so that you may not bring the guilt of bloodshed on your house if someone falls from the roof.

* Hazardous construction!


Deuteronomy 22:28-29
If a man happens to meet a virgin who is not pledged to be married and rapes her and they are discovered, he shall pay the girl’s father fifty shekels of silver. He must marry the girl, for he has violated her. He can never divorce her as long as he lives.


* What if the raped woman does not want to marry the rapist?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home