2.7.11
Si Kuya Rollie Sa Libing ng Kanyang Ina
Sabi ng marami, hindi raw mabuti na ang mga magulang ang naglilibing sa anak. Masakit daw iyon para sa magulang. Pero hindi naman ito nangangahulugan na mas mababaw ang sakit kapag anak ang naglilibing sa magulang. Pareho lang sigurong masakit. Dahil kapag naglilibing ka ng isang minamahal sa buhay, nangangahulugan iyon na hindi mo na siya makikita, hindi mo na siya madirinig, hindi mo na siya makakausap, at hindi mo na siya mayayakap man lang.
Pangalawang pagkakataon na po ito. Apat na taon na ang nakakaraan nang ilibing natin ang Tatay. At ngayon naman ang Nanay. Nang sumakabilang-buhay ang Tatay, ipinangako ko sa sarili kong pipilitin kong ibigay sa Nanay yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Gusto kong malibang siya para hindi niya maalalang wala na ang Tatay – at kahit pa nga wala na ang asawa niya, gusto kong maramdaman niyang hindi siya pinababayaan.
Nagbakasyon rin ako ilang araw bago mamatay ang Tatay. Ganito rin ang nangyari nitong bakasyon ko. Dalawang araw lang ang nakakalipas, at gaya nga ng naririnig ko, parang hinintay lang ako ng Nanay para makapagpaalam. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at binigyan niya ako ng dalawang pagkakataon na mahaplos man lang ang Tatay at ang Nanay bago sila makapiling ng Dios.
Pero hindi nangangahulugan iyon na nababawasan ang kirot. Kasi para sa akin, parang maraming kulang. Kulang ang panahon na naibigay ko sa Nanay para makasama siya. Kulang ang panahon para maipasyal ko man lang siya, o maipag-shopping, o mabigyan ng konting kasiyahan. Ang usapan namin ni Kuya Rusty, siya na ang bahalang mag-asikaso sa mga pisikal na kailangan ng Nanay dito habang ako naman ang magtutustos ng mga gastusin. Ito ang dahilan kung bakit gustuhin ko man, hindi ako dali-daling makauwi para mahagod ang likod ng Nanay, o masuklay man lang ang buhok niya, o kaya ay aliwin man lang ng kahit ilang kanta.
Noong nakaraang taon, nang mabalitaan kong labas-masok na ang Nanay sa ospital, gusto ng mga paa kong magdumaling umuwi dito sa Pilipinas. Gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya. Gusto ko sanang kahit sandali, ako ang mag-asikaso. Pero alam kong malaking bagay ang maitutulong ng gagastusin kong pamasahe para maidugtong sa buhay ng Nanay. Tinitiis ko lang ang sakit, dahil alam kong kapag nagmamahal ka, natututo ka ring mag-sakripisyo.
Alam nyo, taon-taon tuwing magbabakasyon ako, ang lagi kong dalangin sana maabutan ko pa ang Nanay. Kahit alam kong unti-unti nang bumibigay ang kanyang katawan; kahit alam kong nahihirapan na siya. Minsan nga, naiisip ko rin, hihilingin ko ba sa Dios na dagdagan pa siya ng mahabang buhay, gayung naiisip ko rin – ano namang klase ng buhay ang puwede pang maranasan ng isang nobenta anyos na lola na hindi na nakakarinig, lumalabo na ang mata, nanghihina ang katawan at nakaupo na lang sa wheel chair? Kaya, madalas nagtatalo ang loob ko. Sa isang banda, gusto kong lumawig ang buhay niya at sa isang banda gusto ko na rin siyang magpahinga ayon sa kalooban ng Dios.
Ngayon, hukay na ang lupa na pagbabaunan sa Nanay. Makakasama na niya ang Tatay. At kasama niyang ililibing ang maraming alaala ng kanyang pagiging babae, ng kanyang pagiging anak, kapatid, asawa, lola, at ina.
Marami akong maalalang bagay tungkol sa kanya. Ang kanyang tawa, ang kanyang mga sulyap, ang pag-aasikaso niya sa aming magkakapatid, ang kanyang pagiging Nanay sa amin. At kahit na maaaring pangkaraniwan lang sa mata ng iba ang naging buhay ng Nanay, natatangi siya para sa amin na biniyayaan ng Dios na maging bahagi niya.
Ninety years. Mahaba na ring panahon yun. Katulad nga ng sabi sa isang kanta, ang buhay tulad ng isang awit lamang, mayrong simula at may katapusan. Pero hindi mahalaga kung gaano kahaba o kaiksi ang buhay. Ang mahalaga, ano ba ang napala natin – ano ba ang mga bagay na natutunan natin – ano bang bagay ang maiiwan natin para masabing naging makabuluhan ang buhay para sa ating lahat?
Para sa mga naiwan ng Nanay, ang dalangin ko, sana hindi natin malimutan yung mga magagandang alaala na iniwan niya sa atin. Sana, maharap natin ang mga darating na araw na walang panghihinayang dahil nagawa natin ang lahat ng mga dapat gawin para mabigyan siya ng ligaya.
At para sa inyo na may mga magulang pang kapiling sa buhay, lalo na sa kanilang katandaan, huwag nating ipagkakait sa kanila ang panahon. Kayamanan ang turing ng mga magulang sa kanilang mga anak. Patunayan nating totoong nakapag-impok sila ng mga kayamanan. Samahan natin sila. Akayin natin sila. Huwag natin silang kabagutan o kainisan. Huwag natin silang sigawan dahil hindi na sila nakakarinig. Huwag nating pagsawaan ang mga kuwento nilang paulit-ulit. Huwag natin silang pandirihan kahit na sinasabing amoy lupa na sila. Huwag natin silang bigyan ng ikasasama ng loob sa konting panahon na lamang na ilalagi nila sa piling natin.
Nay, kung saan ka man naroroon ngayon, maraming salamat sa pagiging Nanay mo sa amin. Nawa mapahinga ka na kapiling ng Tatay at ng Dios.
Maraming salamat sa inyong lahat.
Pagpalain tayo ng Dios.
REFLECTIONS
Numbers 7-10
The Offering for the Dedication of the Altar
Numbers 7:84-88
These were the offerings of the Israelite leaders for the dedication of the altar when it was anointed: twelve silver plates, twelve silver sprinkling bowls and twelve gold dishes. Each silver plate weighed a hundred and thirty shekels, and each sprinkling bowl seventy shekels. Altogether, the silver dishes weighed two thousand four hundred shekels, according to the sanctuary shekel. The twelve gold dishes filled with incense weighed ten shekels each, according to the sanctuary shekel. Altogether, the gold dishes weighed a hundred and twenty shekels. The total number of animals for the burnt offering came to twelve young bulls, twelve rams and twelve male lambs a year old, together with their grain offering. Twelve male goats were used for the sin offering. The total number of animals for the sacrifice of the fellowship offering came to twenty-four oxen, sixty rams, sixty male goats and sixty male lambs a year old. These were the offerings for the dedication of the altar after it was anointed.
* An offering is a must – if only because of expressing our deep feeling of gratitude.
The Levitical Retirement Age
Numbers 8:24-25
“This applies to the Levites: Men twenty-five years old or more shall come to take part in the work at the Tent of Meeting, but at the age of fifty, they must retire from their regular service and work no longer.”
* I am looking forward to being 55 when I can take it easy from work.
* I am looking forward to being 60 when I can get my senior citizenship and the card that goes with it.
The Cloud
Numbers 9:22-23
Whether the cloud stayed over the tabernacle for two days or a month or a year, the Israelites would remain in camp and not set out; but when it lifted, they would set out. At the LORD’S command they encamped, and at the LORD’S command they set out.
* Oh to be personally directed by God through signs!!!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home