Saturday, March 12, 2011

2.28.11



I drafted this letter to Norrie, today's birthday celebrant, on January 17, 2004.
I am not sure if I sent this or not, or if he received this or not.
But to ponder the celebration of his day and the thoughts of that day seven years ago, here it is:

nori dearest,

maligayang bati sa inyong paglipat. panibagong mga kasaysayan na naman ang mabubuo at magwawakas sa apat na dingding ng bago mong bahay. ilan na naman kaya ang mga bagong panauhing kakatok? maninikluhod para sila’y iyong tapunan ng oras at ligaya? ilang mga sandali na naman ng katahimikan ang babasagin ng tinig ni josh groban, habang ikaw nama’y inaanod sa paninimdim? ilang pagbubuo ng mga balak at pangarap na naman ang mangyayari sa loob at labas ng mga silid ng bahay?

mabuti at sa pag-iisa ay nagkakaroon ka ng kalayaan. kalayaang makapag-isip, makadama, makadilat. kaya lang, nami-miss kita. lalo na sa mga panahong pagod ako at gusto kong may karamay at kakuwentuhan at ka-lakwatsahan. kahapon, maaga akong lumabas ng opisina dahil masama ang pakiramdam ko. may ipinakiusap sa akin si harry na gawin para sa kanya, kaya pinagbigyan ko. dumaan ako sa metropolis alabang. yung lugar na siya mong pinag-aabangan ng sasakyan pauwi sa sunshine tuwing sunset. tapos, pumunta ako sa southmall para manood ng KILL BILL volume 1 na ang bida ay si uma thurman. alam kong magugustuhan mo ang bakbakan na ang bida ay babae.

mas gusto kong manahimik ngayong mga araw na ito sa kabila ng napakaraming problemang dinadala ko sa ngayon. at sa mga pasanin ng tatay at nanay na pasanin ko rin naman. hindi na rin ako nakaka-exercise, kahit na gusto kong mag-tennis. a week ago, nagising akong medyo masakit ang kaliwang bahagi ng balakang ko. naaalala ko tuloy yung time na immobile ako for a week because of the same pain. ang huling hawak ko ng raketa ay noong naglaro tayo sa citadella. nandoon pa rin ang interest ko, kaya lang ang pinakarurok yata nito ay noong nasa kasikatan ang pagiging magkaribal ni steffi at monica. nang masaksak si seles, sinaksak na rin ang interest ko sa tennis. bantayan mo si maria shaparova at si ashley harkleroad, maliban sa muling pagbabalik ng mga williams na nasa #3 at #11 positions sa ngayon, at sa pag-iisnaban ng magkababata at magkababayang justine at kim. ikinasal last year si justine. ikakasal naman this year si kim. sa mga lalake, ano pa ang pupuntahan ng tennis matapos magretiro ni pete at wala nang panapat kay andre? wala na rin si goran. mahina na ang palakpak kay guga. tumuntong lang sandali sa hagdan ng #1 si marcelo at bumaba na ulit. kahit sabihin pang namamayagpag si roger sa kanyang tagumpay sa wimbledon at si juan carlos sa roland garros, parang kulang sila sa luningning. agree ka ba?

marami pa rin namang gustong makipagkaibigan. may mga tumatawag. may mga nag-iimbita. may mga nagte-text. kaya lang, wala akong panahon na maibigay para dito. ewan ko ba. ganun ko siguro pinagbubuhusan ng panahon ang pagtatrabaho nang sa ganoon, malibang rin ako sa gitna ng kaabalahan. tinatanong mo kung ano ang ginagawa ko pag nalilibugan ako? ha-ha-ha!!! ano pa ba ang dapat gawin kundi manalangin. at nagpapamasahe pagkatapos.

dalawang gabi na ang nakararaan, medyo naligalig ako. habang pasakay ako ng tricycle pauwi sa augustus, itinanong sa akin ng driver kung saan ako ihahatid. for a brief 10 seconds, hindi ko maalala ang street name at blangko talaga ang isip ko. it was a short span of time but it seemed forever. hindi ko alam. talaga kayang papalubog na ang araw ko?

J
january 17, 2004


And six months later, eto pa ang isa:

dearest nori,

read your story. i can relate to the ambivalence of being in the midst of letting go and moving on or staying put and going with the flow. but i guess you made the overly overdue right decision. what is there to be afraid of? the unknown future is held in the palms of a known God who knows you and loves you in turn.

i pray the forthcoming chapters will be filled with new life-sized characters, gripping plots, exciting twists and turns that will make you wonder why you have not thought of walking the yellow brick road in the first place. make the most of this -your whole new world!

all love,
joey
july 13, 2004


quite honestly, i can't remember the context.

happy birthday, norrie!


REFLECTIONS
Joshua 4-6


Joshua 4:23-24
For the LORD your God dried up the Jordan before you until you had crossed over. The LORD your God did to the Jordan just what he had done to the Red Sea when he dried it up before us until we had crossed over. He did this so that all the peoples of the earth might know that the hand of the LORD is powerful and so that you might always fear the LORD your God.


* Is the Jordan a validation of the Red Sea episode under Moses designed for the doubters?


Joshua 5:13-15
Now when Joshua was near Jericho, he looked up and saw a man standing in front of him with a drawn sword in his hand. Joshua went up to him and asked, “Are you for us or for our enemies?” “Neither,” he replied, “but as commander of the army of the LORD I have now come.” Then Joshua fell facedown to the ground in reverence, and asked him, “What message does my Lord have for his servant?” 15The commander of the LORD’S army replied, “Take off your sandals, for the place where you are standing is holy.” And Joshua did so.


* Is this a reprise of the Lord’s encounter with Moses in the desert of Haran?


Joshua 6
The Fall of Jericho

* Another reprise of the wars led by Moses?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home