Today is this piece’s thirty-third birthday.
GUSTO KITA!!!
1.
gusto kita
at alam ko kung bakit
gusto kita kasi
mabuti kang tao para magustuhan.
gusto kita kasi
kapag nagkukuwento ako sa iyo
ng espesyal na bagay,
alam mong espesyal iyon.
at saka tinatandaan mo iyon
nang matagal na matagal.
itinatanong mo pa,
“natatandaan mo ba noong
may sinabi kang espesyal sa akin?”
tapos maaalala nating pareho.
kapag may iniisip akong mahalaga,
sa palagay mo, mahalaga rin iyon.
magaganda ang naiisip natin.
kapag may sinasabi akong nakakatawa,
tumatawa ka.
sa tingin ko tuloy, kengkoy ako!
2.
gusto kita kasi
alam mo kung saan ang kiliti ko
at hindi mo ako kinikiliti doon.
maliban sa konting hipo,
paminsan-minsan.
teka!
pero kapag kinikiliti mo ako
alam ko rin kung saan
kita kikilitiin.
sira-ulo ka,
kaya gusto kita.
diyos ko! ganyan ka ba kasira?
akala ko, ako na ang pinaka-sira
meron pa pala – ikaw!
hi-hi-hi!!!
gusto kita kasi
alam mo kung kailan dapat
maging seryoso
siguro sa makalawa
siguro, hindi na!
pero naku, huli na!
pareho na tayong sira,
matagal na!
3.
lagi tayong naglolokohan.
minsan hindi tayo nag-uusap
basahan lang ng sular.
basta puro lakwatsa.
dadaan tayo sa ilalim ng bakod,
maglalaro sa mga tagong lugar.
kung para akong pusa sa bubong,
ikaw rin.
kung nagkukunwari akong nalulunod
nagkukunwari ka namang sasagipin ako.
kung naghahanda akong magpaputok
ng cellophane,
magugulat ka naman kunwari.
hindi mo ako hinihiya,
iyan ay dahil gusto mo rin ako.
talagang gusto mo rin ako, di ba?
ganyan tayo palagi,
araw-araw.
kung aalis ako,
aalis ka rin.
kung nasa bahay lang ako,
pinadadalhan mo ako ng postcard.
at saka binibisita mo ako.
hindi iyong basta mo na lang sinasabing,
“sige, saka na lang tayo magkita. bye!”
hindi ganoon.
kaya lalo kitang nagustuhan.
kapag sabay tayong namamasyal
tapos naligaw ako,
ikaw iyong sumisigaw para makita ako.
ganito ang sigaw mo:
“hoy, nandito ako.
lumabas ka sa pinagtataguan mo!”
4.
gusto kita kasi
kapag malungkot ako
hindi mo ako kaagad pinapasaya.
minsan kasi, mas mabuti kung malungkot ka.
siyempre, hindi lahat ng oras
dapat masaya ka.
kailangan, malaman mo rin iyong
ibang bagay.
unti-unti.
dahan-dahan.
tapos, bigla!
5.
gusto kita kasi
kapag galit ako sa iyo,
nagagalit ka rin sa akin.
kasi, alangan namang
matuwa ka.
naks!
ang galing-galing mo talaga!
kaya minsan, gusto kitang suntukin
sa ilong!
6.
gusto kita kasi
minsan kapag masama ang tiyan ko,
at saka napapa-“kuwan” ako,
hindi mo ako pinagtatawanan.
sinasabi mo pa:
“nangyari na rin sa akin iyan minsan!”
talaga naman, eh.
kapag nananakit ang katawan mo,
kunwari ako rin.
para pareho tayo.
7.
gusto kita kasi
kapag nakakakita ka ng dalawang bulaklak
tig-isa tayo.
kapag nakakakita ako ng apat,
tigalawa tayo.
kapag tatlo ang nakita natin,
nagtitinginan na lang tayo.
minsan suwerete tayo,
minsan hindi.
kapag nabalian ka ng kamay,
mababalian din ako ng kamay.
type ko yatang sabay mabali ang
kamay natin.
tutuksuhin mo ako.
tutuksuhin kita.
tapos magsisisi tayo pareho.
susulatan natin ng maraming pangalan
ang balot na semento
at magdo-drowing tayo ng tao
tapos ipapakita natin sa iba.
maiinggit sila.
sasabihin nila:
“sana bali rin ang kamay ko!”
8.
gusto kita kasi – ewan ko ba –
pero – lahat ng nangyayari sa akin,
mas maganda kapag kasama kita!
wala akong natatandaang pangyayari
na hindi kita nagustuhan.
sobra, pero totoo iyon.
walang biro.
gusto kita kasi – kasi – kasi
kung kasama kita
ang pasko nagiging february 14
kung meron nga lang tayong drum at saka
torotot, at saka kabayo at saka
trak ng bumbero,
puwede na tayong magparada.
parada ng ano?
ng mga sira-ulo.
tayong dalawa siyempre sa unahan.
naiintindihan mo ba ang
ibig kong sabihin?
kahit na ika-40 araw ng hulyo
o agosto
o kahit na sa kailaliman ng
araw ng mga patay
o kahit na sa sasuluk-sulukan ng
enero
ikaw pa rin ang pipiliin ko
at ako pa rin ang pipiliin mo,
nang paulit-ulit.
ganoon lagi ang mangyayari.
ewan ko kung bakit.
siguro, talagang hindi ko pa
lubos na alam kung –
kung bakit gusto kita.
bakit nga ba?
gusto kita kasi –
gusto kita kasi –
ah, basta gusto kita!
(isinulat sa rizal park, maynila
february 23, 1978)
REFLECTIONS
Deuteronomy 23-25A few interesting points:
Deuteronomy 23
On illegitimacy
v2
No one born of a forbidden marriage nor any of his descendants may enter the assembly of the LORD, even down to the tenth generation.
On the Lord’s “change of heart”
v3
No Ammonite or Moabite or any of his descendants may enter the assembly of the LORD, even down to the tenth generation.
* Ruth, the great grandmother of the Lord is a Moabite.
On “pagtanaw ng utang na loob”
v7
Do not abhor an Egyptian, because you lived as an alien in his country.
On “ebak” and indecency
vv12-14
Designate a place outside the camp where you can go to relieve yourself. As part of your equipment have something to dig with, and when you relieve yourself, dig a hole and cover up your excrement. For the LORD your God moves about in your camp to protect you and to deliver your enemies to you. Your camp must be holy, so that he will not see among you anything indecent and turn away from you.
On runaway slaves
v15-16
If a slave has taken refuge with you, do not hand him over to his master. Let him live among you wherever he likes and in whatever town he chooses. Do not oppress him.
On earnings from “indecent” profession
v18
You must not bring the earnings of a female prostitute or of a male prostitute into the house of the LORD your God to pay any vow, because the LORD your God detests them both.
Deuteronomy 24
On marriage and call of duty
v5
If a man has recently married, he must not be sent to war or have any other duty laid on him. For one year he is to be free to stay at home and bring happiness to the wife he has married.
On justice
v16
Fathers shall not be put to death for their children, nor children put to death for their fathers; each is to die for his own sin.
On “pautang” and kindness
vv10-3
When you make a loan of any kind to your neighbor, do not go into his house to get what he is offering as a pledge. Stay outside and let the man to whom you are making the loan bring the pledge out to you. If the man is poor, do not go to sleep with his pledge in your possession. Return his cloak to him by sunset so that he may sleep in it. Then he will thank you, and it will be regarded as a righteous act in the sight of the LORD your God.
Deuteronomy 25
On enjoying the fruit of labor
v4
Do not muzzle an ox while it is treading out the grain.
On “pakialamerang” wife
vv11-12
If two men are fighting and the wife of one of them comes to rescue her husband from his assailant, and she reaches out and seizes him by his private parts, you shall cut off her hand. Show her no pity.